Friday, April 28, 2006

Letter to the 'Church'




(click the image to get a better view. or "save as" & view it in your 'image viewer')

Last night, as I wrote my day's story in my journal (yez! 'the journal' manually written with all my emotions in it)

...yeah, I was writing in my journal, and for years I wanted to do something good for the Church.

the Church - when I say 'the Church' I mean for the Lord...

historical background: I grew up in a Christian school, Christian Church (Baptist, to be exact)and everything about it. But a singular event changed my whole life and now I am a wandering soul.

Now, the thing is... how do I go back to the Church w/o being in a church? got what I mean?

well, anyway, last night I wrote a letter...

that's the letter ... digitally enhanced... the name is not my real name, but the email add..yes it's so real.

I really miss God.. oh! why did I flee from Him...

The letter is real and is addressed to the Church...

..now... I wonder who will God use to fulfill my prayer...


With my hand in my heart,

AngelSPY signing off...

Monday, April 24, 2006

IDOLO

WARNING: Ang nilalaman ng pahayag na ito ay sentibo. Sinasaad dito ang aking saloobin. Patawad pos a mga masasagasaan.

Nung Sabado, habang naghihintay ako kay Dei sa St. Joseph, Anonas, napatingin ako sa “gift shop” ng malapit na simbahan.
I sa itong maliit na tindahan ng mga Catholic items gaya ng rosaryo, prayer booklets, t-shirts, post cards, latest imahen ng bagong pope at mga pigurin ng santo. Naisip ko lang, para saan ang mga pigurin ng santo? At lalung lalu na ang pigurin ng pope?
Hindi ba’t parang nasasamba na nila sina Mary at Joseph? Ang malala pa nito, e parang sinasamba na nila ang mga bagay na mismong tao din naman ang may gawa.

Magulo ba? Ako rin mejo naguguluhan.

Ganito yun…ahm…

Ang rebulto ni Jesus Christ, sa cross, nag dadasal etc., bakit pa nila kailangan nito kung alam naman nila sa puso nila na nasa loob nila si Jesus Chirsit?

Isang paalala kung makalimot sila? Labo mhan!

Di ba? kapag totoong nananahan sayo si Jesus Christ e mararamdaman mo sya hanggang sa kaibuturan ng puso mo? Hindi mo na kailangan ng cross para maalala at maramdaman ang presence Nya dahil nananahan na Sya sayo. Wag mong sabihin na tao ka lamang, dahil pag nanahan ang Diyos sa tao, kakaibang high ang mararamdaman. OO, may downpoints tayo, pero andun pa rin Sya at nararamdaman mo.

Isang pahiwatig ng mga tao na deboto sila kay Jesus Christ?

I don’t think so. Dahil hindi mo kailangan ng kahit anong bagay para ipakita sa tao na nasa loob mo ang Diyos. Sarili mo lang ay sapat na katibayan upang ipadama sa lahat ng tao ang kaligayahan mo sa piling ng Diyos. Hindi mo na kailangan ng rebulto o rasaryo na bitbit mo araw araw na parang may aswang ka na tutunawin sa daan.

Speaking of rosaryo, noong 3rd year high school ako, nag-aral ako sa isang public highschool. Isa sa mga subjects ang Religion, at dahil Katoliko ang main religion ng bansa, tungkol sa gawi at tradisyon ng mga Katoliko ang naturang subject.

Pumasok ang teacher namin at nagdrawing sa blackboard ng isang malaking rosaryo sabay tanung sa klase ng “Alam nyo ba kung paano gamitin ang rosaryo?”

Ayuz, bagong knowledge, may silbi pala ang rosaryo, kala ko kasi dati isa itong old-fashioned na kwintas na simbolo ng mga Katoliko.

Nakinig akong mabuti upang maintindihan ko ang mga Katoliko.

May ilang bahagi ang rosaryo, at bawat bahagi ay may dasal na dapat kabisaduhun. Take note: Kabisaduhin.

“KABISADUHIN?!?” Natawa na lamang ako sa lob loob ko. Ibig sabihin sa dinami dami ng katoliko sa bansa, iisang klase lang ng panalangin ang binabanngit nila ng madalas.

Siempre,alam ko may personal na panalangin sila. Pero ang ‘kabisaduhin’ ang isang panalangin ay ibang usapan na. Inisip ko nun, isa ba itong panata o ritwal ng mga katoliko? Nagmukha tuloy silang kulto sa paningin ko.

Hindi ba dapat ‘personal’ ang mga dasal? Dahil isa itong sagradong relationship sa Diyos. Diba kaya tayo nilagay sa lupa upang may makasama at makausap ang Diyos? Para naman tayong sirang plaka na paulit ulit kung ganun ang pagdarasal natin…at baka sinasabayan pa tayo ng Diyos..or

“ay nko anak, yan nanaman ba sasabihin mo?”

Hindi naman computer ang Diyos na pag nakibasado mo ang ‘prayer of the rosary’ ay may password ka na papasok ng langit.

LANGIT: Tinee-neeng (sound fx yan bgo mg announce sa malls)
WELCOME to Heaven. Please recite the prayer of the rosary to log in.
Thank you. Tinoo-noong (sound fx yan pgktapos mg announce sa malls)

SPY : Prayer of the Rosary??? Ahm…anu un..?

LANGIT: Access Denied

SPY : Teka, close kami ni God. Lagi ko nga sha kausap sa prayers ko e.
Kinuwento ko pa sa kanya un mga bagay bagay ditto sa mundo. Nag
tenk yu pa nga ako e

LANGIT: Tinee-neeng (sound fx yan bgo mg announce sa malls)
WELCOME to Heaven. Please recite the prayer of the rosary to log in.
Thank you. Tinoo-noong (sound fx yan pgktapos mg announce sa malls)

SPY : . . . . . ??? huh?

LANGIT: Access Denied

SPY : Teka….kailangan ba talaga nun?

LANGIT: Tinee-neeng (sound fx yan bgo mg announce sa malls)
WELCOME to Heaven. Please recite the prayer of the rosary to log in.
Thank you. Tinoo-noong (sound fx yan pgktapos mg announce sa malls)
SPY : Aba, Ginoong Maria?..Ginang ata un…

LANGIT: Access Denied

LANGIT: Tinee-neeng (sound fx yan bgo mg announce sa malls)
Sorry. You have reached the maximum number of trials of reciting the prayer of the rosary . Please stay in the purgatory for 1 million years and memorize the prayer to avoid line disconnection. Thank you. Tinoo-noong (sound fx yan pgktapos mg announce sa malls)

SPY : Waaahhh………….

Sabay bukas ng secret trap door sa kinakatayuan mo at ihuhulog ka na sa purgatoryo.

Purgatoryo..isa pa yan! Sapat na ang ilang dekada kong pamamalagi sa mundo para maghintay pa uli sa purgatoryo at makarating s Langit. Sabi nga ng Diyos, alam Nya kahahantungan natin bago pa tayo isilang sa mundo.

Hundi naman mainit ang ulo ko sa mga Katoliko. Siguro hindi ko lang matanggapa ang tradisyon at mga ritwal nila sa pagkakaroon ng rosaryo at ang tamang pagdadasal nito. Lalung lalung lalu na ang rebulto na halos sambahin na ng karamihan. Pwede namang pumukit na lamang at kausapin ang Diyos ng buong puso. Paano kung wala na ang rebulto, o rosaryo? Ano? Hndi mo na makakusap ang Diyos at wala ka ng password papasok ng Langit?

Habang tintitigan ko ang mga rebulto nila Mary, Joseph, Mother Theresa, Pope Benedict at kung sino sino pa, naisip ko lang, paano kung may sikat na artista ang nadeklarang Santo pagkatapos ng maraming taon?

Mas bebenta ba ang mga imahen, post cards at tshirts nila?

May kasama kaya itong autographed lifesize pictures nila?

Curious lang, kung paano sila tatangkilikin ng mga tao.

Curious lang.

Para sa mga Deboto at sarado katoliko… pati sa lahat ng tinamaan at nasagasaan ko:
Para sa mga komento at violent reactions, maari lamang mag reply sa post na ito.
Gaya ng sinabi ko, sarili ko itong pananaw. Maari nyo ako itama, laitin at kung anu-anu pa. Pero sa ngaun, eto ang pananaw ko.

World Peace!!!


ANGELspy SIGNING OFF…

Friday, April 21, 2006

Nangangapang MangMang

hahaha!!! Bago lang ako sa blogsites at ako'y nangangapa pa lamng sa mga kakaibang features nito..

Mahilig ako sumulat at dahil nag crash na ang files ko sa PC w/o back ups w/c is stupid of me, i have decided to be here . . . kaya..ahm...

konteng pasensya...

Makapal kapal na din ang journal at sketchpads ko ng ideas... komento at mga sarkastikong panlalait base sa aking mga obserbasyon...

abangan..

hahaha..

ahm..panu ba isave to? hahah

saglit lng ito, dahil pauwi na ako. And2 kc ako sa office nagmumuni muni at pakalat kalat sa internet kapag walang magawa at tamad gumawa... nyahaha!

Tuesday, April 18, 2006

stOp-d-BloG

This is my serious blog site...
well, I am planning to write several stories about myself, the things around me and the things 'before' me.

I use to have journals, wrote fiction stories and deep poetries..that when people read it... they say it's good...and blah..blah..blah... too bad, i don't have a hard copy...when my PC crashed, the memories also slipped away... huh?...

so now, i'm gonna write it on blog sites.......

I was full of confidence that I have the potentials of being a cool writer...but uh-oh! what are these??? People who writes very much better than I am.......

All my hopes..got so low..I'll never be able to write a good one... with these competitions?



Then suddenly...Ting!!!

I don't want to write because I want to have a published book...

I write because I want to, I am capable of doing it and no one can stop me......

as I always say, when people say that I get a small amount of salary as a designer and artist,

"MY JOB IS ALREADY REWARD ITSELF"

...so here I am... I'm not good in English grammar (I use to)...because ...ahm..I forgot many details in my life... because of an accident ....

I am going to write!!! Any topic that storms my mind...

My brain cells fail me to remember things, jotting it down is truly a great help for the meantime...

...and besides, I had a dream of becoming a writer. ..Have a book published... for whatever topic it may be.....


STOP-d-BLOG!!!

... i'm gonna prevent myself from reading other people's blog...

.... for the true purpose... is to remember who iwas, who i am, and who i wanted to be ..

.... haauummmmmmmm...i'm meditating... haaauuuummmmmmmmmm..

.and ahmm...

what am i doing here?

who am i?...

kidding!

tut! tut!


brain fade.SPY, where did thy memories go?

...now signing off....

Monday, April 17, 2006

Ang Sarap (pala) Mag-Bus sa Umaga

. . . dahil ito sa tinanghali ako ng gising.

Noong younger pa ako, (dahil young pa ako ngaun) my phobia ako sa pag sakay sa bus. Hindi ko sigurado kung bakit. Sanay ako na may sasakyan dati, may school service. Sumasakay naman ako ng public vehicles, gaya ng jeep, fx, tricycle at pedicab. Pero bus talaga ang di ko kaya masakyan (liban na lng kung may school field trips).

During High School naman, cguro mabibilang lang sa daliri ang pagsakay ko ng bus. Sumasakay lang ako ng bus kapag kasabay ko ang Lola ko na pumapasok bilang isang Elementary teacher sa Cubao.

Lalo ko tuloy naisip na ayoko sumakay ng bus, dahil nahihirapan umakyat ang Lola ko.

Sino ba naman gusto sumakay ng ordinary bus na parang bibigay na pag sinipa mo? At kapag nagkamali ka, at nasugatan baka dka na umabot sa ospital dahil sa tapang na mga tetano sa paligid. At habang nasa byahe ka e tumatalbog ka sa knauupuan mo na kahoy.

)))masarap ba mag bus?(((

Or aircon na bus naman, na pagpasok mo amoy air freshener na ‘pine’ or ‘orange’ na masusugatan ang loob ng ilong mo sa tapang. Babarahan pa ng ‘molecules’ na mga nasabing ‘air fresheners’ ang maliit na daluyan ng hangin sa ilong mo . Mas gugustuhin mo pa langhapin ang polluted na hangin sa kalsada. At kapag minala-malas ka pa, ang nasabing ‘aircon bus’ ay kasing init sa sauna {with matching ‘fresh air pa’}

)))masarap ba mag bus?(((

Noong college na ako, takot pa din ako sa bus. Pero tinanggap ko na din ang katotohonan na kailangan ko sumakay ng bus paminsan-minsan dahil mahirap sumakay at hindi pa uso ang Megatrain noong unang tatlong taon ko sa college [aba! One year na lang, grad nko bgo ngkaroon ng LRT Train na sakto ang baba sa school … ok lang..at least na-experience.. wala lng =) ]

May isang experience ako na di ko malilimutan sa pagsakay ng bus nun 1st year college ako. Maaga ako pumasok ng panahong iyon {kahit naman ngaun}. Naaalala ko, paborito ko ang araw ng Tuesday dahil favorite subject ko nun, [Visual Presentation Technique 1, kung saan nag-still life drawing kami sa klase. Gusto ko din ang ‘green’ professor namin dun na itatago ko na lang sa pangalang “Sir Jologs”]

Dahil ayoko ma-late at nahirapan ako sumakay ng jeep, sumakay na lang ako ng bus {thinking, ‘kaya ko to’}. Sa dulo ako pumwesto, at (ISHINA!) nasa pnaka dulo ako at gitna, (ishina tlga) may dalawang lalaki, one on each side, na mukhang tumakas lng sa manila city jail at ilang taon nang naghuhukay ng butas sa ilalaim ng lupa! My gulay! Minsan lang sasakay ng bus monsters pa ang seatmates ko!

)))masarap ba mag bus?(((

Eniwei…. Hindi pa un ang climax ng story…

Ala pa ako 15 minutes sa bus, eh parang 15 days na ako nka upo dun.

Maya-maya, traffic na sa harap ng Roosevelt College sa may Malanday, since hindi ko gusto ang view both sides,nka 40-degrees lang ang leeg ko at straight ang tingin sa labas (takot na maka-eye contact ang mga katabi ko at baka lamunin ako ng buhay).

Nakatingin ako sa isang tricycle driver na payapang naghihintay ng turn nya sa pagliko, nang biglang …

{timeout muna, mag sounds muna ako, inaantok ako bigla… bored na din ako sa knikuwento ko}

{ayan..soundtrack ng “Shall We Dance”}

game ulit… nang biglang…

{time out ulit, nu ba to?! “The bridges of Paris” Nkkaantok lalo un sound.. NEXT!}

saan naba tayo?

{ayun nga} Nakatingin ako sa isang tricycle driver na payapang naghihintay ng turn nya sa pagliko, nang biglang …

!!! BANG !!!

{opo. Tunog po yan ng baril. Yan na ang pinaka hi-tech na sound fx na mabibigay ko. Gaya ng ‘ratatatatat’ ng machine gun , ‘bagoom’ ng bazooka or “pow” ng pagsuntok}

{wow.. ‘Moon River’ ang tugtog}

un nga…

!!! BANG !!!

Sabay bagsak sa kalsada ng payapang tricycle driver na naghihintay ng turn nya sa pagliko. Oh no! DEDO na sha!

{anu nangyari?}

Hindi ko sure nung una, pero nakita ko un payapang tricycle driver na naghihintay ng turn nya sa pagliko na binaril ng isang lalaking naka bullcap. As in, ang tindig nun lalaking naka bullcap e parang sanay na pumatay, nakatayo ng may kompyansa sarili, tinaas ang kanang kamay na may baril, at pinapaputukan na ang payapang tricycle driver na naghihintay ng turn nya sa pagliko. Parang hired assassin ang drama. Nasa open area lang un lalaking naka bullcap, walang pakielam kung may makakita sa kanya. Ang totoo, hindi ko ma-describe sa salita ng exacto ang mga pangyayari, dahil hindi naman ako writer. {ano! Drawing ko na lng?!}

{Later, that night…}

Lumabas na lamang sa balita ang nasaksihan ko nung umaga. Ang payapang tricycle driver na naghihintay ng turn nya sa pagliko ay isa pa lang ex-convict na ciempre, kalalaya lang. Ang lalaking naka bullcap naman ay …ahm…di ko na maalala, pero parang hired assassin nga sha.

Moral Lesson: Huwag titingin sa labas na nka 40-degrees ang leeg, kahit na may katabi ka na (ishina!) ang mga face(isa itong bad combination ng elements) . Iwasan ding tumitig sa payapang tricycle driver na naghihintay ng turn nya sa pagliko upang maganda ang pasok ng pera.

Wala lang =)

)))masarap ba mag bus?(((


Perong ngaung working girl na ako, iba na ang usapan. Kasama sa trabaho ko ang pagbyahe. Pumupunta kasi ako ng Cavite at least once a week upang ipa-construct ang designs ko… {aztig ba}

Last year bus lang ang alam ko na pede sakyan, kaya no choice ako kung hndi mag bus. Nagsisimula ang trip ko sa cavite ng tanghali, dahil usually sa head office muna ako ng umaga.

Ang kadalasan ko masakyan na bus ay “Jasper Jean”. Isa itong ‘aircon bus’ na may advertisement ng kornik sa balat mismo ng bus. Ayoko sana sumakay sa ‘aircon bus’ na ito dahil parang hindi naman ito aircon. Grabe! Walang lamig, hangin lang ang meron at ang ‘air freshener’ alikabok at usok ang flavor. Bukod pa dito, ang upuan ay sasakto lang sa tuhod mo pag nakaupo, kaya sa dalawang oras na byahe, malamang, bugbog na ang mga tuhod ko. Para ka naring naglakad ng paluhod.
)))masarap ba mag bus?(((

May ‘masaya’ din na part sa bus papuntang Cavite. Yun ay ang free taste ng mga vendor ng macapuno. Pero never ko ito tna-try at hinding hindi ko gagawin un. Takot ko lang na baka two-weeks expired na ang pnapatikim nila.

{Ang ‘free taste’… but wait! There’s more! Taste it now and you’ll get free bacterias from people who doesn’t wash. There’s still more. Lot’s more. Buy now, and you’ll also get free cholera, and a life time supply of Hepa B. wala lang =) Ang sama ko ba?}

)))masarap ba mag bus?(((

Kapag pabalik nako ng Manila,ang madalas ko sakyan ay “San Agustin”. Sorry na lang ako kung “Jasper Jean” na lang ang available. Wala naman ako mashado masasabi sa “San Agustin”, un nga lang sobrang lamig sa loob. Kaya sasakit ang ulo mo. Panu ba naman, maiinit sa labas, tapos pagpasok mo super lamig, tpos pagbaba mo, mainit nanaman. Sakit tlga sa ulo nun. Eto pa, may TV nga sa loob, kaso putol putol naman. Un lang po…

)))masarap ba mag bus?(((

Buti na lang alam ko na ang FX papuntang Cavite ngaun. Iwas init, iwas ‘flavored’ air conditioner.

Bukod sa pagpunta ko sa Cavite, kpag tinanghali ako ng gising, ayoko na sumakay pa ng MRT, dahil mapipisa lang ako dun. Bus lang ang pede ko sakyan.

)))masarap ba mag bus?(((

Gaya ngaung umaga, late na ako nagising dahil sa nakuha ko pa maggala kagabi.

{special Hi to Dadang, Erick, Kakel at Dei… cla ang kasama ko mag hang-out sa Robinson’s Galleria kagabi – naglakad, napagod, nag bonding, namangha sa ganda ni Roxanne Barcelo (?), nagutom... Napagtripan naming bumili ng tortillos, tasty bread, at isang malaking chicharon na nakita ko sa buong buhay ko na dko maalala ang tatak (as in jumbo). Bumili din kami ng sandwhich spread at jelly stix. Lahat ng ito ay kinain namin sa food court na parang nasa loob lang kmi na bahay at walang mga tao sa paligid. Umasa na lamang kmi sa tubig ng food court bilang panulak.
Oo nga pala, accidentally, nakita din naming si Grace at Che an. Instant mini-reunion.}

{Para sa mga hindi nakadalo: Ganyan lang tlga. Next tym pa reserve kayo sa Ticketnet. For more info please press 1. For non-subscribers please enter ur 10 digit number and press *#!@?! Sabay talon ng 3x para tumangkad}

{access denied}

{again, wala lang. =) }

Un nga, tinanghali ako ng gising knina, kaya hindi ko na binalak pa na mag MRT. Kaya ng bus na lang ako. Dumaan muna ako ng seben-eleben para bumili ng maiinom. Matagal na din ako hindi nagba-bus sa umaga, ng papasok sa opisina.

Ayuz! Matatawag namang ‘aircon bus’ ang nasakyan ko. Magaan ang pakiramdam ko kahit na alam ko na maari akong malate sa opisina.

Nakadungaw ako sa bintana, iniwasan ko na ang 40-degrees na tingin upang maganda ang pasok ng pera. Payapa naman ang byahe, hindi bumpy. Inaantok pa ako, pero ayoko matulog dahil sira sa japorms ko na office girl look. Ka tx ko si Dei, kc pareho kaming unlimited. Kung anu anu lang…

Gaya ng sabi ko, payapa ang byahe… ang dami kong nakitang mga kotse, na pangarap ko tlga magkaroon… bigla ko naisip na dapat na ako kumilos at ayusin ang aking buhay…

Gaya ng bus na sinasakyan ko, tuloy tuloy lang ang byahe hanggang sa dumating sa destinasyon.

Huminto kapag kinakailangan, kapag may pasahero- kapag may oportunidad.

Magbayad agad at itago ang tiket - - - dahil may silbi ito sa hinaharap. Gaya ng pagdating ng ticket inspector ng mga bus, kung saan hobby na nila ang magpunit ng tiket.

Umusog nag konti upang makaupo ang bagong sakay, hindi lang tayo ang tao sa mundo ng bus. Pero ingat lang ng pagpili na tatabi sa inyo, ang iba ay nanlalaslas ng bag o d nman kaya, maniac.

At kapag malapit ka na bumaba, check lahat ng gamit baka may naiwan, sayang un. Tumayo ka na din para madali makalabas ng bus, mahirap nga maglakad papuntang exit habang umaandar ang bus, pero ganyan talaga. Hindi lang oras mo ang mahalaga.

{anu ba to? Parang walang sense ang pnagsasabi ko?}

hmm..

Basta, ngaun ko lang naisip na masarap pala sumakay ng bus sa umaga…

Ngaun ko lang na-appreciate…

At tsaka, salamat sa pagsakay ko sa bus ngang araw at nkapag isip-isip ako. Hindi ko ito magagawa sa MRT dahil siksikan dun at mabilis ang takbo.

Sa bus, mabagal pero komportable, may panahon pa para magmunimuni, magi sip at matulog.. pede din kumain, wag ka lang mgkakalat upang maganda ang pasok ng pera…

Ang totoo nyan, wala ako magawa ngaun dito sa office, kaya naisip ko na lang magsulat tungkol sa bus.

Ang phobia ko sa bus, nawala na…. pero lalaitin ko pa rin ang mga bus hanggat gusto ko…nyahahah!

)))masarap ba mag bus?(((

“O, un wala pang tiket jan, magbayad na!”

korni



jm/032306

J - - - - - - - M - - - - -
(feeling writer minsan)


(Bawal kopya...haahahaa!!!)

AngelSpy signing off....