Thursday, September 07, 2006

Munting Sunog sa Glorietta

Kahapon, September 6, 2006, nagmamadali ang buong Marketing Department pumunta sa Glorietta Activity Center pagkatapos mkatanggap ng balita sa Boss ko na sa kasalukuyang namamasayal sa Ilo-ilo.


Tumawag ang may-ari ng Anson's at sinabing may sunog na nagaganap duon ngayon.

(syempre, dko po kamay yan, ang panget e..hehehe)

Kaya kailangan namin pumaroon at i-check ang mga mamahalin naming displays at baka madisgrasya eh sayang tlga yun. Kung sakaling maliit man ang apoy, e pag na activate ang sprinklers, basa ang units namin, masisira yun.


Nagmadali kaming pumunta pero, sa kasamaang palad eh hindi ko inabuitan ang excitement kundi mga residue lamang ng nasabing sunog, gaya nang usok ng fire extinguishers at walang katapusang announcement ng Glorietta na controlled na ang nasabing sunog.

Kala ko mkaka-nenok na ako nang cool cell phone or hi-tech na digi-cam kung sakaling magkagulo at mag panic ang mga tao... joke joke joke!!!

Kaya ang mga sumusunod na larawan lamang ang aking nakuhaan.



At sa pag aakalang tapos na ang lahat, e nag false alarm uli... pero controlled pa rin.

Sa Glorietta 2 po ang sunog, sa isang kainan...

Pero, later back to normal din ang lahat. Masyado lang kasi nag panic ang mga boss, hndi muna pinakiramdaman... hehe..but in fairness, concern ang boss kong namamasyal sa Ilo-ilo sa mga tauhan namin sa exhibit..hehe...

buti nga pinayagan ako pumunta dun khit may sunog..di kc ako mapapakali sa excitement..yun pala.. small fire lng..hehe

Kaya ayan, nagliliwanag nanaman ang simpleng display rack ko.


Bili na kayo! hehe, sa Glorietta Activity Center, hanggang September 17, lang po ito! Heheh!

2 Comments:

Blogger Trip Atomic said...

Ganda nung mga rack! Pagnanalo ako sa lotto at nagpagawa ako ng bahay, sa iyo ko papa-design ang shelving ko ha? :) really.

10:40 PM  
Blogger brain-fade SPY said...

Wow. Thanks!

Sana nga manalo ka sa Lotto!
hehe

12:34 PM  

Post a Comment

<< Home