Tuesday, May 30, 2006

Friendster Testimonial for HWA

CLICK THE IMAGE TO ENLARGE

Thursday, May 11, 2006

DeviantArt: brainfadeSPY

This is my first set of uploaded images in Deviant Art.com. Most of these are painted about three years ago.

How about now? I haven't done any! haha! sad thing actually, I've been busy during my last two years in college and now my first year as a working creature.

Someday, somehow... I'll find a waty to fit painting in my busy schedule of "pagmumuni-muni".

Guys, visit my site and tell me what you think about my art works. I'm not sure if you have to be a Deviant Art member, but it's worth a while anyway.

I'll be uploading more sometime...

http://brainfadespy.deviantart.com/gallery/

that's the site... See yah!

Wednesday, May 10, 2006

Ang TagBoard Ko


Eto ang unang hakbang ko para sa isang 'artistic' at 'otistik' na blog site...isang TagBoard..kung un nga ang tawag dito.

kasi.. na iinggit ako sa ibang sites...
PERSONALIZED.

Kahit anung runong ko sa Photoshop, Auto CAD, 3d Max, Studio Viz, Sketch Up at kung anu anu pa... sya namang 'mangmang' ko sa HTMLs.

Makakaisip ako ng magandang layouts at images, pero dko naman ma a-upload.

Natutunan ko naman ang CSS ng Friendster, dahil may 'Profile Editor' iyon.

SANA MATUTO AKO NG HTML!!!

Ang sakit ng kamay ko!

Ang sakit ng kamay ko!

Yan ang laging maririnig mula sa aking labi.

Paano ba naman, magsisimula ang araw ko sa pagpindot ng 'alarm cell' ko, at ciempre mababasa ang mga nakatulugang text messages at agad itong re-replyan. Pagkatapos ay ang isang oras na pag-aasikaso sa sarili bago pumasok sa opisina, maliligo, magsusuklay, at magtu-toothbrust, minsan naaalala din mag almusal.

Bbyahe na ng 7:00 am, sasakay ng jeep, tapos MRT na hanggang dulong station ang byahe na nakatayo at nakahawak sa 'safety handrails'. Edi, ngalay na ang braso at kamay mo sa paghawak dito. (minsan kc may 'kaskaserong' operator ng MRT train).

Tapos, sa opisina, buong sampung oras na nakaharap sa computer gamit ang mouse at keyboard. Design softwares ang gamit, kaya nka concentrate ang powers ng utak sa kanang kamay na nagsasagawa ng naisip na design concept.

Dagdag pa ang pagod ng mata.

Pagkalipas ng 10 oras, uuwi na. Gaya kaninang umaga, ganun din ang byahe, at ngalay nanaman ang kamay sa paghawak sa 'safety handrails'. (paborito ko ito banggitin, ang 'safety handrails')

Pagdating sa bahay, kakain at magpapahingga sandali.

Dito na magsisimula ang trabaho ng aking kamay.

Pag gumana na ang pagiging senti-writer ko.

Isinusulat ko kasi lahat ng ideas ko sa isang journal. Kadalasan, hindi ko natatapos ito sa isang gabi dahil sa inaantok na tlga ako at isang pahina pa lang e masakit na ang kamay ko.

Bakit hindi na lng ako mag-type sa PC? kc po kasalukuyang sira ang PC ko, at ayokong may mga tao sa paligid ko habang inilalabas ko ang mga kuru-kuru ko sa buhay.

At ang major na dahilan tlga ay dahil mas masarap ito isulat, mas nadadama ang bawat damdamin, malambot ang papel, pedeng madiin ang sulat kapag galit at nanggigigil ka. Pwedeng super ayos ang pagkakasulat , pwede rin parang kinahig ng manok. At kapag tinitignan ko ang mga nakaraang isinulat ko, alam ko na agad kung anu ang naging 'bad mood' ko o hindi, dahil sa penmanship pa lng kita na. Personal ang bawat pahina, bawat salita at mga letra.

Hindi katulad ng PC, kahit anung i-type mo, wala pa rin itong emosyon, liban na lamang kung gnamitan ng ibang font at kulay. May pinipili pa itong lugar..kc madalas at dapat may kuryente ka!

Ang 'nokbik' kahit saan ka mapunta, PWEDE!

Mas gusto ko ang 'manually written' kasi makikita mo ang emosyon ng sulat.

Mahilig ako sa snail mails

at

e-mails

at

blogs.

Marami na akong naisulat, na hindi ko pa napo-post d2 sa blog. Kasi ba naman, pag sinusubukan ko na i-type ito, nwawalan na ako ng gana... nawala na kc un 'emotion of the moment' or 'passion of the moment' habang inilalabas ko ang aking mga idea at saloobin.

minsan, isang araw cguro...

Pero hindi ko ipagpapalit ang mga dulot, ng pagsusulat ng 'manual'

kahit na madalas na sumasakit at na aabuso ang kamay ko.. iba pa rin ang pakiramdam.

dahil dito

...maari mong ibuhos lahat ng saloobin at damdamin mo sa pamamagitan ng panulat at papel.